Thursday, February 21, 2019

Dalangin ng Isang Ina



 Aking dalangin ay lumaki kayong may takot sa Diyos at manatili sa kanyang landas. Nawa'y lumaki kayong may kababaang loob at sumunod lagi sa kanya.Sana lagi ninyong isa isip at isa puso ang aral ng Diyos.

Aking dalangin ay bigyan kayo ng Diyos ng malawak na pangunawa at kaalaman. Sana laging puno ang inyong puso ng pagmamahal at gawin ang lahat ng bagay para sa inyong kinabukasan ng may pagmamahal.

Aking dalangin ay bigyan kayo ng Diyos ng kasipagan, ng katapangan, ng kalusugan at ng Katalinuhan. Anumang pagsubok na dumating sa inyo ay mapagtagumpayan ninyo at nang marating ninyo ang rurok ng tagumpay.

Aking dalangin ay bigyan kayo ng masayahing puso, isip at kaluluwa. Lumaki sana kayong marunong tumawa, marunong ngumiti at magalak sa inyong kalumbayan.

Lumaki sana kayong may respeto sa inyong kapwa, maging mabuti kayo, pagsilbihan ang Diyos at ang inyong kapwa. Lumaki sana kayong malayo sa kalawayan at sa kapahamakan.

Aking dalangin ay ingatan kayo ng Diyos sa tuwi-tuwina.

No comments:

Post a Comment

US Requiring visa applicants to provide social media details

social media details required for US visa applicants Who said visa is not needed to enter the United States? Those articles saying...